HOME
Home being Cambridge, Massachusetts. Wow ambilis ng bakasyon pero mas excited ako sa pasukan. Andaaaaaaming nangyari during the break at hindi ko alam kung paano ko uumpisahang ilahad lahat dito. So imbis na ilahad ang lahat ng nangyari, magshe share na lang ako ng mga quotes mula sa mga nakapiling ko nitong nakalipas na tatlong linggo:
1. Ate Belen (mukhang gulat na gulat at napakasaya): "Ano!? Si Gino na-promote!?"
--> upon hearing the news na si kuya eh nag PROPOSE na sa kanyang girlfriend.
2. Uncle Hugo (habang nanonood ng Lakers vs Heat game) "Tignan mo 'yang si Shaq, parang kapre.... naalala ko tuloy nung nakakita ako ng kapre."
--> he then recounts his childhood experience of seeing a real kapre.... he followed it up by recounting his experience with an aswang na mukhang baboy damo slash hyena.
3. Tito Ging "Tragedy is an exercise in compassion."
--> sa gitna ng isang heart to heart talk namin nung binisita ko siya. Lumpo si Tito Ging dahil na aksidente siya four years ago.
4. Leon Palad (talking to everyone in his car --- ako, si Robin at si Jolegs --- matapos niya kaming sunduin sa Oakland Airport): "Dapat naman eh mag GIRLS NIGHT OUT tayo." *sensing the awkwardness in the air and finally looking at Jolegs* "Ok fine! Boys night out for you." --- I will forever be an honorary Baklita.
5. Ate Belen: "BASTOS KAAAAAAAAH!" *nanduduro sa culprit* "YOU'RE BASTOOOOOOS!!!!"
--> matapos niyang muntik nang maiputan ng isang malaking heron --- needless to say eh tawa ako nang tawa.
6. My three year old cousin, Mira, while I was telling her a story about her "Mister Snowman": *she suddenly pulls one leg of Mr Snowman and thrusts it into my face* "PAA." ---- omg pinsan ko nga.
7. My cousin, Jun: "I think I'm actually you're uncle." --- turns out he is.
8. Ate Belen: "CHING! (singing the word in forte right at the end of Dulce's "Ako ang Nagwagi") O diba ang galing? Dapat ganyan ka rin mag arrange ng kanta GP, yung may CHING! ganyaaaan." --- omg I kept on laughing my tummy hurt so much.
9. My cousin, Kyrene: *frantically waves at me so I would shut my mouth and leave the store* --- she works at Goldilock's, where I ordered two pastries. She put five in the bag. She also just met me.
And last but not the least...
10. ME to Jetblue Airlines check-in counter girl: "Yes, I'm sure that it's today" --- moments before I found out that my flight was YESTERDAY.
BUT ALAS IM HOME! So ano ba ang nangyayari? Bakit mas na-miss ko pa ang Boston kesa sa Maynila? Hindi ko yata napansin na sayang-saya ako sa buhay kong mag-isa. Yung gumigising ako araw-araw na alam kong ang pananagutan ko lang sa araw na ito ay sa sarili ko. Okay yun diba? Ngayon, excited na akong bumalik sa school kasi ginaganahan akong pagbutihin pa lalo ang pag-aaral. Nakakuha ako ng 3.64 na GPA for my first semester. Nakakabitin pala pag ganoong kalapit sa pagka perfect. At hanggang hindi nagiging 4.0 yang lekat na GPA na yan eh hindi ako matatahimik. Sa ngayon eh may isang linggo ako para maghanda sa parating na lamig at sa panibagong pagkakataong daigin ang sarili ko.
Magkaron nawa tayo ng taon na makabuluhan.
Ay may last quote pala ako:
11. A considerable amount of people on my plane a while ago: *GASP* --- upon finding out that Jennifer Aniston and Brad Pitt had split up.
6 Comments:
OHMYGOD! nag-break na sila?!
12:26 PM
Hey Jen! Can you imagine kung gaano AKO tumawa when she was doing all those things? She kept on asking me: "Bakit? Ano ang nakakatawa? Nakakatawa ba ako?" --- of course that made me laugh some more!
1:20 PM
gpeeeeeh. :D hay you don't know how much your blog posts make me happy. and they always bring me back in a weird way to who i "was" -- the ACS, fag-hag, brrkarra part of me that unfortunately can't exist here in paris because there is no ACS, no soulsearch, no badinger z-friends, and most of all no gp! kelan kaya tayo makakapagjamming ulit sa bahay no? hay. hope you're happy and fine there. yes, you're right, my "tower" is always just around the corner. *hug*
7:45 AM
and congrats on your GPA!!!! :) :)
7:48 AM
what's your gpa? what's your gpa?
thanks for such a tummy-ache inducing post. LOL talaga!
11:35 PM
Ay. Bumenta ang aking quotes blog. Madagdagan nga. Sige I'll stay vigilant sa mga nakakatawang quotes. In fact I have one already... gonna post it.
Deepa: 3.64. Not bad I guess hehe.
10:32 AM
Post a Comment
<< Home