Ang nakakainis sa mga sidewalk na nagyeyelo pag napakalamig...
... ay ang pagkadapa. At yun na nga ang nangyari sa akin nung Friday, as I was walking to my final, uhh, final exam. Pero napakagandang experience pala. Well yuong "gliding effortlessly across pavement" part lang. Ang pag semi-split-slash-luhod yung medyo masakit at nakakahiya. Pero pati yung mga experience na ganun eh mapupulutan pa rin pala ng insight, lalu na kung t.h. ka maghanap ng meaning sa lahat ng bagay. Pagkatapos ng final final ko umuwi nako para ipagdiwang ang pag end ng sem ko. At habang naglalakad ako napangiti ako kasi na realize ko na for the longest time, mula pa nung una akong nag apply sa Berklee, pinagkaingat-ingatan kong HINDI madapa: ang Berklee-or-bust attitude, the trying my best to get a 4.0 gpa thing, kahit ang pagiging isang effective na conductor ng i.p. choir, pagpupunyagi pala yung ginawa ko. At talagang naramdaman kong mahirap akong matumba. Yumpala simpleng tubig at lamig lang ang katapat ko.
***
Last carolling day namin kanina sa I.P. Isang taon pa uli halos bago kami magkita-kita uli. Napamahal na sila sa akin. Para akong binigyan ng instant pamilya. Binigyan pa nila ako ng onting pabaon na pera (dahil na rin sigurong nalaman nilang wala na akong pera ni pambayad sa train). Katuwa sila. Nakikita kong magtatagal ako sa grupong ito.
***
Bound for California in a little over 12 hours. Real excited. Not excited about having to clean the place up before I leave. Buti sana kung kaya kong matulog na lang sa eroplano. Pero hindi eh. Kasi hihilik lang ako at mapapahiya lang uli. Lecheng hilik yan. Sana maging masaya 'tong Paskong 'to.
***
Kanina habang busy yung choir ko na nag aayos ng gamit ng sneak back ako into the church (kung saan kami nagdaos ng Christmas Program) para tugtugin yung Steinway and Sons na piano. Eventually found myself playing Kaibigan. Haven't played that song in a while and kanina para akong binuhusan ng nostalgia. Habang tumutugtog ako hindi ko napansin na may nakikinig palang 9 year old kid sa akin. Pagkatapos ko, umupo siya and said "That was beautiful." Pero di siya makatingin sa'kin dahil nahihiya siya. Tapos sabi niya "I'm just starting to learn the piano. I have a long way to go before I get to be THAT good." Tinanong ko siya kung ilang taon na siya at sinabi kong nag-umpisa akong tumugtog nung 12 ako. Tinanong niya kung ilang taon na ako. Sabi ko 25. Instantly sinabi niya "So it'll take me 13 years, huh." Katuwa. I started to play this simple song on the piano. I don't even remember when I learned that song. Just imagine John Thompson. Anyway, sabi niya "That's really simple. Maybe Grade 1 stuff. I'm in Grade 2." Tapos sabi ko sa kanya "But you know not everything that is simple is also necessarily ugly. It all depends on how you play it." Tapos tinugtog ko nang may linya at articulation yung piyesa. Di ko malilimutan yung itsura ng pagkamangha niya. It was as if he found something precious. Maybe he did. Sana.
1 Comments:
i'm betting that you probably cxhanged that kid's life in that very moment. :) what a fantastic story.
I MISS YOU GP!!!! hope you had a happy happy christmas and a happier new year. :)
6:40 AM
Post a Comment
<< Home