Friday, December 24, 2004

So bale nakausap ko (yata) si Jason Mraz sa AIM

Mahabang kwento. Next blog na lang. Sa ngayon ang mahalaga eh mabati ko ang mundo ng MERRY CHRISTMAS! Ano ang ginagawa ko habang nagsusulat nito? Heto ako nakaupo sa isang makeshift computer terminal sa garahe ng bahay ni Ate Belen, napapaligiran ng mga kahoy, lagare, old baby toys at ng isang asong German Shepherd daw hindi naman (kalaking damulag takot sa akin). Pitch black dito dahil walang ilaw sa garahe. So ang ilaw lang eh nanggagaling sa aking powerbook. I even had to go around my terminal just to see the white apple logo proudly beaming in the middle of darkness. Sounds around me: isang eroplano ang either kakaalis lang o papadaong na sa LONGBEACH INtL AIrPORt. Sa likod ng bahay may nagjajajmming na banda ng mga chikano (na overtake na nga raw ng mga latino ang mga itim sa pagiging number one minority dito --- siyempre hindi pahuhuli ang pinoy community at kanina nga eh sinabi na ng tito ko na "number two na ang mga pilipino. number three na lang ang mga egoy"). Sa loob ng bahay eh nanonood si Ate Belen ng TFC. Siguro more FPJ news. Nagpapahinga siya kaluluto ng ube at leche flan na pang regalo. Ano kaya ang noche buena namin bukas? May nakuha pala akong regalo. Binigyan ako ni Bianca ng slippers na ultra comfy na pangbahay. Antagal na mula ng may nagregalo pala sakin ng isang bagay na gusto ko. Ultimo yung ALLEGED giant birthday card ni Chris Ong for me nuong 1997 eh di pa niya binibigay sa akin.

Tama nga si Jeline. Pwede ka ngang sundan ng "home." Ok naiirita ako ano ba ang translation ng HOME sa Pilipino. Wala no? Laos. Anyway, eto ang aking mumunting paraan ng pagbati sa inyo ng Maligayang Pasko (tulad din ng mumunting paraan ni Mraz sa pamamagitan ng pagchat niya with fans sa AOL --- kung siya nga yun). MERI KRISMAS. Kayo paano ang Pasko niyo diyan? Comment naman o. Sarap makibalita, eh.

LISTENING TO:
The sounds of the Los Angeles Freeways

2 Comments:

Blogger JP said...

Merry Christmas Gippps!!!

Natatae ako, so short notice muna. Kagabi nag-noche buena kami sa bahay ng family friend namin dito, yung family ng boyfriend ng sistraz ko, na kabarkada din namin silang lahat.

Well, sabihin na lang natin na inabot kami ng 4am, kaka-kanta sa videoke, kaka-balik sa hapag-kainan at kaka-laro ng iba't-ibang games. Si Whitney Houston ang nagtapos ng gabi, with an aerobics rendition of "I Wanna Dance With Somebodeh".

Nagkita na ba kayo ni Robin? May number ba para ma-reach kita dyan?

3:11 PM

 
Blogger GP Eleria said...

Hi Kaia! Hehe. Kumusta na kayong lahat diyan? Benta ang iyong creative pic ah.

7:08 AM

 

Post a Comment

<< Home