Friday, November 12, 2004

Game

"Game."

Gusto ko yung expression na yun. Sa isang salita binalot mo yung intention mo na umpisahan ang isang bagay na, malamang, matagal mong pinag-isipan at pinagmuni-munian. Dawit na rin sa expression yung resolve na parang "eto na wala nang urungan." Ang galing dahil ni hindi nga Tagalog yung salita. English siya pero di ko naman narinig (ever) na gamitin ng kano o ng sinumang nag-i English.

Uhh so bale bakit ko siya pinag-uusapan sa blog entry na to? Hehe. WALA LANG. Kanina kasi binasa ko (nang mabilis) yung mga blog entry ni JP at ni Jeline. Parang andaming nangyayari sa buhay nila. Parang inggit ako dahil tuwing umuupo ako para magsulat ng blog walang lumalabas. At ilang beses nang nangyari yun. Yung umupo ako at nagtangkang magsulat ng blog entry. Kesyo during class o di kaya habang kumakain sa caf, pati sa elevator no. Pero wala talagang lumalabas.

Hindi naman sa walang kwenta ang buhay ko dito. Sa katotohanan nga masaya ako ngayon. Masaya as in hindi ako malungkot. Pero walang nangyayaring kasiya-siya. Gets?

Well, siguro merun namang mga kasiya-siya pero hindi ko alam bakit hindi na ata ako naeexcite. Nagkakaron na ako ng "barkada" dito (isa pang magandang salita yun --- ilang beses ko nang naabutan ang sarili kong hirap na hirap na ineexplain sa mga kaklase ko kung ano ang "barkada"). Ayos naman yun dahil masaya sila kasama. Siguro minsan magsusulat ako tungkol sa kanila with matching pictures.

Nakakalabas naman ako. Ilan na ring sine ang napanuod ko and there's that Halloween gimmick na masaya din. Pero hindi ako compelled na magsulat tungkol sa mga iyon . Which is sad kasi alam ko for a fact na HABANG nangyayari sila eh gusto kong ipamalas yung experience sa lahat ng kaibigan kong wala dito (which is, until very recently, comprised of LAHAT NG KAIBIGAN KO period).

Okay naman ang school. Paminsan-minsan tinatamad na ako dahil pakiramdam ko para akong nanonood ng isang feature length film na naka slow mo. Tipong hindi naman ako pwede umalis dahil hindi ko alam ending at hindi ko pwede i forward dahil magagalit yung mga ibang nanonood (na walang angal sa kabagalan ng pinapanuod nila). Oy parang deep yun ah!

Merun pa rin akong frustrations. Unang-una, pera. Sana marami akong pera para hindi ko na iniisip ang pera. Anlaking amount of time and energy ang ginugugol ko para lang pag-isipan kung saan ako kukuha ng pera (kahapon nga lang siningil na naman ako ng landlord ko ng 1,150 para sa buwan ng November -- jusme eh never ko nakita yung ganung kalaking amount ng pera sa Pinas --- anyway, sinabi ko sa kanya magbabayad ako sa kanya kung mahuli niya yung dagang umaali-aligid dito). [Dinadagdag ko lang itong sentence na ito habang pinu-proofread ko ang entry ko. Sabi ko kasi "Unang-una..." Hindi ko pala nasundan ng ikalawa. So. Ikalawa, ANLAMIG POTA. Hindi niyo naiintindihan kung gaano kalamig. Pakiramdam ko tuwing gumigising ako na yung dugo ko para nang "Minola -- ang matikang tulog"]

Hindi ako nako compel magsulat dito.

Pero. Sawa na rin ako maghintay para sa isang tumultuous event para lang may isulat ako sa blog ko. Naisip ko, eh sa kakapiranggot na dami ng mga taong nagbabasa nito, hindi ako dapat mag-alala kung ano ilalagay ko. At kung nagbabasa ka pa rin hanggang ngayon, ibig sabihin lang nun eh kahit ang kaboringan ng buhay ko ay interesting pa rin para sayo.

Kaya ito, magsusulat na lang ako nang magsusulat. Tutal everyone has a place under the sun naman, lalu na dito sa cyberspace.

Asan na ba'ko? Hehe. Tumigil ako magsulat right after that previous paragraph tapos matagal na nag-isip. Bago nun tuloy-tuloy ang sulat ko (kaya pala daloy ng kamalayan ang tawag). Ngayon i feel compelled to end this entry in a creative way. Ewan ko kung bakit (dati ko pa na notice yun eh --- sobrang love ko to end things beautifully or creatively). Pero WHAT IF ang creative na ending eh yung no creative ending at all? Yung tipong titigil ka lang

bigla.







Ang corny shet.


2 Comments:

Blogger anjeline said...

haha, you're having your first pangs of blogger self-consciousness! :) feel ridiculous saying everything on your mind, right? parang kinakausap mo sarili mo sa kalsada. you'll get over it. hehe. and if it helps any, i'm a constant reader of your blog. :)

7:33 AM

 
Blogger JP said...

As we've already concluded kanina... ang dapat itapon na blog kay Jeline. Bwiset... lol.

Jeline: Kung nababasa mo ang daot ko, HEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE tulungan mo kong lagyan ng contacts links yung blog ko!!! HEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!! lol

1:10 PM

 

Post a Comment

<< Home