Tuesday, October 26, 2004

Auspicious

Ganda ng Boston. Lalu na ngayong napakasaya niya. Wala nang Curse of the Bambino at mukhang mananalo pa Sox sa World Series. Parang may indayog ang galaw ng lahat ng mga tao. Ultimo kotse parang nakangiti habang umaandar. Minsan ka lang din makakita ng mga taong nakangiti habang umuulan. Dami nun dito ngayon. Buti pa sila masayang masaya.

Midterms ko ngayon at sa halip na mag-aral ako ay nagsusulat ako ng blog. Ganda. Medyo tinatamad na ako dito, hindi dahil walang kwenta akong tao pero dahil maraming walang kwenta sa paligid ko. Wala palang mas nakakabuwisit pa kesa sa mga batang mapagwaldas! Ang yayaman ng mga hinayupak kong kaklase pero akala yata nila kelangan lang nila pumasok dito at, paglabas, eh superstar na sila. Ano sila tanga? Buwisit talaga. Tuloy ambagal ng andar ng klase at lagi akong bitin. Bitin at tinatamad dahil alam ko pagbalik ko sa classroom eh mabubuwisit lang ako uli.

Ni hindi ko alam kung bakit ko gustong-gusto magsulat ng blog eh wala namang bago sa buhay ko. Merun akong mga kaibigan dito at masaya sila kasama pero pakiramdam ko naghihintay pa rin akong maging HIGIT pa sa mga-bagong-kaibigang-masaya-kasama ang Berklee. Yung lecheng Music Technology class ko, halimbawa. Ang ganda-ganda ng pinag-aaralan pero nagawa pa rin ng teacher ko maging boring ang klase. Ano ba naman yan? Sa sobrang boring niya, ang pinaka kasiyahan na na nararanasan ko eh twing may pinapatugtog siya sa sound system ng classrom dahil ilang libo daw ang presyo ng mga speakers dun (dollars ha!). At ang ganda nga ng tunog! Pero nakakabuwisit pa rin dahil, well, wala akong ilang libong dollars. May ilang libong dollars ako --- utang. Ganda ng Boston.




1 Comments:

Blogger anjeline said...

aw. cheer up honey. :(

este :)

as my mom always says, there is no perfect plan. no perfect school.

it's true though, there's nothing more infuriating than expensive mediocrity

6:07 AM

 

Post a Comment

<< Home