Thursday, December 22, 2005

Junjunification

Here's a funny story from a couple of weeks ago. Tatagalugin ko kasi para di matikla.

Nuong isang araw kinukulit ako ni Junjun. Nakita kasi niya yung ASaP CD ko. Iniisa-isa niya lahat ng kilala niya. Tas edi naubos na niya. Tapos sabi niya "So nasaan na yung nagsasalita ng Aleman?" Talagang tutok siya sa paghahanap. Tinuro niya si Onyl at sinabing "Imposible namang ito." Tuloy sa paghahanap hanggang sumuko. Sabi niya "Nasan na?" Tas binuklat ko ang CD sleeve sa kabila. Sabi ko ayan o. Tapos sabi niya "YUNG TAGAKUMPAS NIYO?!"

*B A C K S T O R Y *

Sa loob kasi ng isang taon chinichika ni, um, Ursula, si Junjun through me. Kinakausap niya ng Aleman. Tapos sa panahon na 'yon ang pagkakaalam ni Junjun eh kaibigan ko lang yung kumakausap sa kanya.

*B A C K T O T H E S T O R Y *


So nawindang siya na yung chumichika sa kanya eh yung tagakumpas pala natin.

Minsan nawiwindang naman ako sa fact na kaibigan ko yung tagakumpas natin. Nakakawindang nga, I guess. Imagine mo kung Aleman ka tapos sinabi mong kaibigan mo si Frieder o di kaya'y galing ka sa Inglatera at sinabi mong kaibigan mo si Rutter (assuming na nagsasabi ka ng totoo!). Pero yun naman ata ang special kay Ursula eh. Kaya nagga-gravitate mga tao sa kanya kasi para siyang hari (o reyna) na nakikisalamuha sa masa. Inaabot niya yung musika sa'yo kung ito ay musikang 'di mo maabot. Siya ang Erap ng buhay natin.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home