Hay salamat. Merun na akong oras magsulat. Finals na! Yay! Ang pinakahihintay kong dulo ng sem na to ay dumating na rin! Biglang parang ambilis pala. Di ko alam kung bakit ako nainip nang ganun. Anyway, ipagdasaaaaaaal na ma-maintain ko ang momentum ko the past sem. Nakakatawa nga't ako lang ang tuwang-tuwa sa kangaragan of the past few weeks. Lahat ng mga bata sa Berklee nagrereklamo. Bakit daw andami namang pinapagawa sa kanila. Aba eh kung ayaw nilang magtrabaho eh dapat di na sila nag enrol sa Berklee no. Last time I checked libre pa rin naman ang pagiging bum eh. So here I am finding my tempo in the tumult and finding a pocket of time to write about it. Here are some highlights of the past few weeks.
1. Watched the Gospel Choir in concert. Nawindang ako sobra. Ibang klaseng experience yun. Alam kong bilib tayong lahat sa kagalingan ng Pinoy kumanta at sa pagkakaron natin ng puso and all that. Pero ibang klase pala pag tunay na yung na experience mo. Walang sinabi ang lahat ng choir natin sa Pinas na pinagsama-sama against these twentysomethings. Iba talaga. Pagbukas ng bibig nila puro totoo ang lumalabas. Dusa, sakit, hinagpis, saya, pasasalamat. Naririnig pala ang lahat ng iyon. At one point during the concert, nakapikit na lang ako trying to absorb everything that I can hear and feel tapos yung choir biglang pumasok na lang nang sabay-sabay. Ni walang lyrics yung kinakanta nila. Isang malakas na "AHH" lang na nakakakilabot marinig. I had to open my eyes at pag tingin ko sa mga singers sa stage nakita ko silang lahat na puno ng hinagpis, yung iba pa naka outstretch yung mga kamay, nagsusumamo. Ilan sa kanila umiiyak na, kasama na rin ang ilan sa audience. Ang ilan sa amin napatayo na lang at sumisigaw. Ibang klaseng experience talaga. Na realize ko na lahat tayo may pasanin at lahat tayo may dahilang mapuno at sumuko. Gusto kong makiiyak noon pero hindi ko rin kaya dahil kung umiyak ako baka mawala yung atensyon ko sa nangyayari sa paligid ko. Tapos pagtingin ko uli sa stage nakita ko yung isang singer sa front row na nakatungo. Nung una akala ko umiiyak siya o nahihilo. Then it struck me. He was bowing down. While everyone, with their arms outstretched, wailed and begged for grace he was calmly and resolutely bowing down in front of his God. Awe inspiring grabe. Tumitindig balahibo ko hanggang ngayon.
2. Nag-umpisa na kaming mag carolling ng aking choir. Nakakatawa nung inintroduce ako during the first night may dalawan booboo:
a. galing daw akong La Salle
b. ang choir ko daw eh Ateneo Choral Group
Hahaha. Nakakatawang marinig yung letter b. I don't mind being mistaken for a La Sallite. Nakakatawa lang yung experience na yun dahil parang may collective *gasp* from all the Ateneans, UP people in the choir. Parang booboo siya talaga. Anyway. Letter b. Haha. Ateneo Choral Group! So bale it's a common mistake pala. Maybe we should rename our choir na. Yun ang nagsistick sa utak nila eh. Anyway, that experience was wonderful. I watched the choir sing their hearts out and slowly realize that the point was in "enjoying" the song. And by enjoy, I don't mean smiling all throughout or goofing around. What I mean is that they finally just "got it." Nakita nila yung importance ng getting to know the song beyond the pitch and the rhythm. Ang dumi-dumi ng Tirindingding but it's the most honest rendition that I've heard. Oh you should have seen the women nung dinuduro nila yung mga lalaki! "Kung matulog ka ay para kang mantika!" Haha.
3. Went to the installation of our new president. Mukhang okay siya. Ang thrust niya ay definitely to be "in touch" with the student body. "Cool president" siya kung baga. Nakaka excite to be here right when new things are about to happen. I wonder what he'll do in the next few years that will improve Berklee. Paunti-unti nang nararamdaman yung kanyang effect sa school. There's now a concerted effort by both the school admin and the student body to foster some sort of "school spirit" na dati eh wala sa Berklee. Kaexcite. Feeling ko after a few years dito nakikigulo na rin ako.
Sa installation nung president ay binigyan ng honorary doctorate si
* D7(#9)*
CHAKA KHAN.
Haha. Ibang klaseng experience! Chaka Khan in the flesh --- wearing a toga! --- and looking so uncomfortable! Sobrang katawa talaga. Throughout the ceremony eh nahuhulog-hulog pa yung mga papel na hawak niya tapos nagkakamot siya minsan o kaya eh nag-aayos ng buhok. CHAKA! Hahahahahahhahahaha. Ang pinakanakakatawa pa ay na kino consider ko siyang great experience NOT because siya si Chaka Khan the singer but because siya si Chaka Khan ang pinanggalingan ng word na CHAKA. ANOBA!
Sa dulo ng ceremony eh kumanta na naman ang gospel choir for the recessional or whatever you call it. Ayan na naman sila. Mga panibagong "Damians" (Damian ang tawag namin sa mga nakakatakot na mga children's choir)! Kinakanta nila yung Fantasy ng Earth Wind and Fire at ang lakas! Tapos nung umalis sila sa stage parang hindi nagbago yung volume. Anlakas pa rin. Scary.
Ayun.
listening to:
Distant Land - John Rutter - The Orchestral Collection: wala na talaga magawa si John Rutter merun siyang Beatles Concerto. Interesting pero ultimately mari realize mo pa rin kung bakit NAPAKAgaling ng Beatles. Iba sila. Talino shet.